4 NCMH health worker nahawahan ng virus
MANILA, Philippines — Iniulat ng pamunuan ng National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City na may apat na health worker dito ang nagpositibo sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa NCMH, kasalukuyan pa nilang inaalam kung saan nakuha o nahawa ng COVID-19 ang kanilang apat na health worker.
Ang isa sa kanila ay naka-home quarantine na habang tatlo ay kasalukuyang ginagamot ngayon sa hindi na tinukoy na ospital sa Metro Manila.
Sa kasalukuyan ay may 147 persons under investigation (PUI) ang NCMH.
Sinabi pa ng pamunuan ng NCMH, ang 134 na kanilang empleyado ay nasa home quarantine na habang ang 13 psychiatric patients ay kinakalinga ngayon sa Pavilion 7 ng hospital.
Isang PUI na non-psychiatric dialysis patient ang nasawi at ang resulta ng laboratory test nito ay hindi pa lumalabas.
- Latest