PUV binalaan sa pagtataas ng singil sa pasahe
MANILA, Philippines — Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operators at drivers ng mga pampasaherong sasakyan na huwag magsamantala sa presyo ng pasahe ngayong kasagsagan sa pag-uwi ng maraming pasahero sa kani-kanilang probinsiya matapos isailalim ang Metro Manila ang community quarantine dahil sa COVID-19
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, kanilang parurusahan na maaaring makansela ang franchise ng mga pasaherong sasakyan na naniningil ng mas mataas na pasahe kaysa sa itinakdang pamasahe ng LTFRB.
Hanggang kahapon, libong mamamayan ang nagsisiuwian sa kanilang mga probinsya para doon pansamantala tumira habang naka-quarantine ang NCR mula ngayong March 15 hanggang April 14.
Kaugnay nito, nanawagan ang LTFRB sa mga commuters na ireklamo sa ahensiya ang anumang karanasan sa taas pasahe sa mga pampasaherong sasakyan.
Anya bukas ang tanggapan na tumanggap ng reklamo hinggil dito at upang maipatawag agad ang operator ng inirereklamong pampublikong sasakyan.
- Latest