^

Metro

Full alert idineklara sa NCRPO, 4 pang rehiyon

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Full alert idineklara sa NCRPO, 4 pang rehiyon
Nagsagawa na ng dry-run ang mga tauhan ng Manila Police District Station 9 para sa nakatakdang pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Idineklara na ng Philippine National Police ang  full alert status sa National Capital Region Police Office maging sa Police Regional Offices sa Region III, (Central Luzon), Region IV-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon), Region IV-B Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan) at Region V Bicol Region kaugnay sa pagtaas sa Code Red Sub-Level 2 sa bansa dahil sa banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Sa memorandum ng Directorate of Operations ng Philippine National Police, epektibo ang full alert status kahapon Marso 13.

Ayon sa PNP, ang iba pang police regional offices ay may discretion na magtaas ng alert status depende sa sitwasyon ng kanilang lugar.

Sa ilalim ng full alert status, kanselado ang lahat ng leave ng lahat ng mga pulis upang magamit sa posibleng deployment.

Huwebes nang iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsailalim ng Metro Manila sa community qua­rantine upang maiwasan ang pagkalat ng  COVID-19 matapos ang patuloy na pagtaas ng bilang nito sa Kalakhang Maynila.

Una nang dineklara ni Duterte ang State of Public Health Emergency dahil na rin sa pagdami ng bilang ng kumpirmadong may CO­VID-19. 

 

FULL ALERT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with