^

Metro

‘Leap year baby’ isinilang sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang malusog na “leap year baby girl” ang isinilang ng isang 20-anyos na ina sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng mada­ling araw.

Sa panayam kay Carmela Disalisa alyas “Charm”, residente ng Sta. Quiteria, Caloocan City, pinangalanan niyang Keith Annlisse ang sanggol na dumaan sa normal delivery dakong alas-3:41 ng madaling araw ng Pebrero 29.

 Nagpasalamat si Carmela na hindi man normal ang magiging birthday o petsa tulad ng iba na taun-taon ay nagdiriwang sa mismong petsa, masaya siya dahil biniyayaan na siya ng Panginoon ng anak na malusog at wala naman umanong health issue.

Aniya, solo parent siya sa kasalukuyan dahil nagkahiwalay na sila ng ama ng kanyang beybi. Aniya, kahit solo parent ay itataguyod niya ang nag-iisang anak sa abot ng kanyang makakaya.

Gayunman, sa kasalukuyan ay wala siyang trabaho dahil ‘endo’ o end of contract na siya sa pinasukang department store sa Sta. Cruz, Maynila.

“Sa ngayon po mam mag­hahanap pa ulit ng trabaho, dati checker po ako sa department store...sa SM San Lazaro, kaso nag-endo na po,” ani Carmela.

vuukle comment

CARMELA DISALISA

DR. JOSE FABELLA MEMORIAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with