^

Metro

Mga Pulis na ‘di makakapasa sa ideyal na timbang ‘di mapro-promote

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mga Pulis na ‘di makakapasa sa ideyal na timbang ‘di mapro-promote
Nabatid na nasa 86 pulis ang sumailalim sa pagsusuri, 49 sa mga ito ang normal lamang ang timbang, 32 ang overweight at lima naman ang mga obese o sobrang taba.
Russell Palma/File

MANILA, Philippines – Binalaan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gene­ral Archie Gamboa ang mga pulis na mabibigo sa ideyal na timbang alinsunod sa ipinatutupad na Body Mass Index (BMI) na hindi makaka-gradweyt at hindi rin mapro-promote sa serbisyo.

Si Gamboa ay dumalo sa Physical Fitness Test (PFT) at BMI test ng mga pulis na naka-enrol sa Public Safety Officers Basic Course Class 2020 na ginanap sa Camp Crame kahapon ng umaga.

 “Kapag nasa loob ka na overweight ka, nasa loob ka na ng program kapag hindi mo naabot ‘yung ideal weight mo, ‘yung BMI mo, ano rin, waste of time,” pahayag ni Gamboa sa mediamen.

Nabatid na nasa 86 pulis ang sumailalim sa pagsusuri, 49 sa mga ito ang normal lamang ang timbang, 32 ang overweight at lima naman ang mga obese o sobrang taba.

Sinabi ni Gamboa na ang mga mabibigo sa rekisitos ng BMI ay hindi makakapag-schooling para sa kinakailangang promosyon. Ang mga ito ay hindi na bibigyan ng pagkakataon na makapag-schooling para sa kaniyang promosyon.

“Kapag hindi ka umabot sa BMI mo mismo, you will not be allowed to file your promotion which is the very step in a promotional process,” ani Gamboa.

 

PROMOTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with