SMC, naglibre ng toll fee
MANILA, Philippines — Naglibre ng toll fee ang pamunuan ng San Miguel Corporation (SMC) sa lahat ng tollways na kanilang pinangangasiwaan ngayong Bagong Taon.
Ayon sa SMC Tollways, sinimulan ang pagpapatupad ng libreng toll fee ng alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 31, o dalawang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Magtatagal naman ito hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 1, 2020.
Kabilang sa mga lugar na nagpatupad ng libreng toll fee ay ang Skyway, NAIAX, SLEX, STAR Toll at TPLEX.
Nabatid na una na rin namang nagpatupad ng libreng toll sa lahat ng kanilang tollways ang SMC mula Disyembre 24, o bisperas ng Pasko, hanggang umaga ng araw ng Pasko, Disyembre 25.
Bunsod nito ay nagpapasalamat naman ang mga motorista na dumaraan sa nasabing mga tollways.
- Latest


















