^

Metro

Tondo fire: 100 pamilya nawalan ng tahanan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Tondo fire: 100 pamilya nawalan ng tahanan
Tinatayang nasa 100 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos lamunin ng nangangalit na apoy ang nasa 50 kabahayan sa sunog na sumiklab kahapon ng umaga sa Parola Compound, Tondo, Maynila.
Kuha ni KJ Rosales

MANILA, Philippines — Isang malungkot na Bagong Taon ang sasalubong sa tinatayang 100 pamilya matapos lamunin ng nangangalit na apoy ang nasa 50 kabahayan sa sunog na sumiklab kahapon ng umaga sa Parola Compound, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Fire District, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng  isang 2-storey residential/commercial apartment, na pag-aari ng isang Joel Acantillado, sa Gate 10, Pier 2, Brgy. 20, Zone 2, sa natu­rang lugar, dakong alas-10:45 ng umaga.

Mabilis na umakyat sa ika-4 na alarma ang sunog dahil pawang gawa lamang sa light materials ang mga kata­bing bahay.

Dakong alas-1:19 ng hapon nang tulu­yan itong maidekla­rang fire-out ng mga bumbero habang nasa limang katao ang naiulat na nasugatan sa insidente kabilang ang isang fire volunteer na si Christian Renasa, 19-anyos na nagtamo ng sugat sa gitnang daliri ng kanang kamay.

Nagtamo naman ng hiwa sa kaliwang kamay si Ronald Bbari­zo, 37; Nena Ampi, nasugatan ang tuhod; Roberto Bolicar, 28, natuklap ang kuko ng kaliwang hintuturo; at Bernardo Calaylay, 34, na nahiwa naman sa kaliwang paa.

Tinataya namang nasa P100-libong ari-arian ang napinsala.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa tunay na pinagmulan ng sunog.

CHRISTIAN RENASA

MANILA FIRE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with