^

Metro

Tanod inasinta habang nagkakabit ng CCTV, dedo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang tanod nang pagbabarilin habang nagkakabit ng closed circuit television (CCTV) ng Barangay 105, Zone 8, District 1, Tondo, Maynila, ka­ma­kalawa.

Kinilala ang nasawi na si Michael Allejan, 33, ng Temporary Housing, Tondo.

Mabilis namang tumakas ang suspect na  nasa 30-35- anyos,  5’2 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, maputi at nakasuot ng short pants at t-shirt na puti.

Sa ulat ni P/Chief Master Sergeant Richard Escarlan ng Manila Police district-Homicide Section, dakong alas- 12:20 ng hapon ng Disyembre 17 sa Roxas St., malapit sa Capulong  St., Tondo.

Batay sa salaysay ng isang Jonas Duazon, abala sila sa pagkakabit ng closed circuit television (CCTV) ng barangay at nasa tuktok pa ng hagdan ang biktima nang biglang lumutang ang suspek at pinaulanan ito ng putok ng baril hanggang sa mahulog sa ibaba.

Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan at hindi na umabot pang buhay sa pagamutan.

 Sa naging salaysay ni Edlyn, misis ng biktima, mara-ming death threats ang natatanggap ng kanyang mister sa nakalipas na dalawang linggo sa hindi pa alam na dahilan.

 Blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

CCTV

MICHAEL ALLEJAN

RICHARD ESCARLAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with