^

Metro

Holdaper todas sa parak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Holdaper todas sa parak
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na holdaper na nasa edad 25-30, may taas na 5’4. slim built, nakasuot ng itim na face mask, puting t-shirt at checkered short pants.
The STAR/File

QUEZON CITY, Philippines — Tumimbuwang ang isang holdaper matapos makipag-agawan at makipambuno ng patalim sa pulis makaraang respondehan ang sumbong ng isang babaeng hinoldap sa Balintawak Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na holdaper na nasa edad 25-30, may taas na 5’4. slim built, nakasuot ng itim na face mask, puting t-shirt at checkered short pants.

Ayon sa biktimang si Katherine Jane Valdez, 34, dalaga, residente ng Ilocos St., Brgy. Bago Bantay, QC, dakong alas-8:15 ng gabi, naglalakad siya patungong Balintawak Market upang mamalengke nang dikitan ng suspek.

Tinutukan umano siya ng patalim at mabilis na hinablot ang kanyang bag  saka mabilis na tumakas.

Agad na humingi ng saklolo ang biktima at nagkataon namang nagroronda ang mga pulis na sina Corporals  Greggy Albay,  Michael Bilar, Sharol De Vera at Benjamin Bongolan ng Traffic Enforcement ng Northern Police District (NPD) at hinabol ang suspek.

Nang makorner ang holdaper sa harap ng Sinotruck Parts and Services sa Bgry. Apolonio Samson ay inundayan nito ng saksak si Cpl. Bilar subalit nagmintis hanggang mag-agawan at magpambuno ang dalawa.

Dahil doon ay bumunot na ng baril sa Cpl. Albay at pinaputukan ang holdaper na tinamaan ng bala ng baril sa ulo na siya nitong agarang ikinamatay.

Nabawi ng mga pulis ang ninakaw na  unit ng Cherry Mobile ng biktima na  nagkakahalaga ng P4,000.

BALINTAWAK QUEZON CITY

KATHERINE JANE VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with