^

Metro

Tatlong Chinese national nadakip sa pagdukot sa kalahi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga security officers ng Skyway ang tatlong Chinese national makaraang mahuli sa akto sa pagdukot sa isa nilang kalahi sa loob ng isang kotse sa Toll Plaza 29 sa may Villamor, Pasay City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga inaresto na sina Li Gen, 32; He Xiang, 29 at Wang Jun, 29, pawang mga turista at nanunuluyan sa Burgandy Hotel sa Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City.

Nakilala naman ang nailigtas na biktima na si Zhou Zheng, Qiang, 26-anyos, binata, turista at nakatira naman sa Santillan Street, Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.

Sa ulat ng Pasay City Police, pinara ng mga security officer ng Skyway na sina Roden Leobert Perez at Randy Castillo ang isang Chevrolet na kotse (TOJ 216) dahil sa hindi pagsusuot ng seatbelt sa may toll plaza ng NAIA Expressway Terminal 3 sa Brgy. Villamor.

Napansin nina Perez at Castillo na ginugulpi ng dalawang lalaki ang isa pang pasahero sa likuran ng kotse.  Nang sitahin ng mga security officers, nagawang makalabas ng sasakyan ni Zhou at isumbong sa kanyang pautal-utal na Ingles na dinukot siya ng mga suspek.

Dito ipinatupad ang pag-aresto sa tatlong mga suspek sa tulong ng pagresponde ng mga tauhan ng Villamor Police Community Precinct sa lugar.

Sa imbestigasyon sa tulong ng kinuhang interpreter, nabatid na may malaking pagkakautang umano ang biktima sa mga suspek na hindi nito mabayaran dahilan ng pagdukot sa kanya. 

Nakaditine ngayon ang mga suspek sa Pasay City Police Detention Center at nahaharap ngayon sa kasong Kidnapping at Physical Injuries.

RANDY CASTILLO

RODEN LEOBERT PEREZ

ZHOU ZHENG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with