4 truck ng basura nahakot sa North Cemetery
MANILA, Philippines — Sa kabila ng paalala ng Manila City government, nasa apat na truck pa rin ng mga basura ang nahakot simula pa noong Biyernes, All Saints’ Day.
Agad na pinahakot ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga basura na kinabibilangan ng styrofoam, plastic bottles at paper plates.
Ayon kay Manila North Cemetery Director Yaya Castañeda, kaunti ang mga basurang nahakot ngayon kumpara noong nakaraang taon bunsod na rin ng panawagan at apela ng pamahalaan.
Tuluy-tuloy pa rin ang kanilang paglilinis ngayon hanggang sa maubos ang mga basurang iniwan ng mga dumalaw.
Samantala, mas kaunti na ang dumalaw kahapon sa North Cemetery November 2, All Soul’s Day kumpara noong Biyernes.
Sa pinaka-huling tala nas 300,000 ang bilang ng mga bumisita sa Manila North Cemetery.
Nananatili namang nakaantabay ang daan-daang mga pulis para magbigay seguridad sa Manila North Cemetery ngayong araw.
- Latest