^

Metro

Police asset, tinepok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Hindi na naisalba pa ng mga doktor ang isang lala­king umano’y kilalang asset ng mga pulis matapos na barilin ng isang lalaking nakasuot ng bonnet   sa Brgy. Hulo, Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Nadala pa sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Felipe dela Rosa, alyas Pitok, 40, residente ng naturang lugar ngunit namatay din dahil sa tama ng bala sa ulo.

Sa initial report ng Mandaluyong City Police, lumilitaw na dakong alas-6:20 ng gabi habang ang biktima ay bumibili   sa isang tindahan sa Grialte St., kanto ng San Francisco St., Brgy. Hulo nang bigla na lang dumating ang suspek at kaagad itong pinaputukan sa ulo.

 Lumitaw sa imbestigasyon na isang police asset ang biktima at dati nang nakulong dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ngunit hindi pa naman tiyak kung may kinalaman ito sa krimen.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

POLICE ASSET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with