^

Metro

Lady engineer, napisak sa truck

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napisak ang ulo ng isang lady project engineer matapos na magulungan ng isang trailer truck na nakabangga sa sinasakyan niyang motorsiklo sa Brgy.  Manggahan, Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Vanessa Santos, 26, isang project engineer, habang arestado naman ang driver ng trailer truck na si Ronaldo Rosero, 52.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, nabatid na dakong alas-11:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Amang Rodriguez Avenue sa Brgy.  Manggahan.

Lumilitaw na bago ang aksidente ay nakaangkas ang biktima sa isang Yamaha Motorcycle, na minamaneho ni Belly Rhay Santos nang bigla na lamang silang masalpok ng paparating na trailer truck, na bumabagtas din sa natu­rang lugar.

Dahil sa impact nang pagkabangga ay nabuwal ang motorsiklo at nahulog ang biktima sa sementadong kalsada at minalas na masagasaan pa ang ulo nito ng unahang kanang gulong ng trailer truck, na nag­resulta sa kanyang agarang kamatayan.

Arestado naman at sa­sampahan ng kasong Reck­less Imprudence Resulting in Homicide and ­Damage to Property ang suspek.

vuukle comment

LADY ENGINEER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with