^

Metro

Task Force Build 5 binuo ni Mayor Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Task Force Build 5 binuo ni Mayor Joy Belmonte
Ayon kay Belmonte ang task force ang siyang makikipag-ugnayan sa mga developers at ahensiya ng pamahalaan gayundin ay makikipag tulungan upang maibsan ang inaasahang problema na idudulot ng proyekto sa daloy ng trapiko.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Binuo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Task Force Build 5 upang mapaghandaan ang magiging epekto sa pagsisimula nang sabay sabay na infrastructure projects ng pamahalaan sa lungsod sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Belmonte ang task force ang siyang makikipag-ugnayan sa mga developers at ahensiya ng pamahalaan gayundin ay makikipag tulungan upang maibsan ang inaasahang problema na idudulot ng proyekto sa daloy ng trapiko.

Ang sabay sabay na sisimulang gagawin sa QC ay ang Subway, Segment 8.2, Skyway 3, LRT1/MET 3 at MRT 7 common station.

“Siguradong magpapalala ito ng traffic at magdudulot ng higit na pagdurusa sa mamamayan kaya’t dapat natin itong paghandaang mabuti”,  pahayag ni  Belmonte.

Sinabi pa ni Belmonte na patuloy anya ang ginagawang pagpapabuti sa daloy ng trapiko sa mga lansangan lalo na ngayong nalinis na ang mga kalsada mula sa mga illegal  vendors at mga illegal structures.

Hindi aniya natatapos ang paglilinis ng mga tauhan sa mga lansangan at laging patututukan kahit tapos na ang naitakdang 60 days clearing operations ng DILG.

Hinikayat din ni Belmonte ang QC Council na magpasa pa ng mga dagdag na measures na susuporta sa pagpapahusay pa ng mga programa para maibsan ang matinding traffic sa QC.

MAYOR BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with