^

Metro

Clearing operations, tuluy-tuloy-DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Clearing operations, tuluy-tuloy-DILG
Ayon kay Department of Interiors Local Government Secretary Eduardo Año, tuluy-tuloy ang isinasagawa nilang clearing operations hanggang sa lahat ng road obstructions ay tuluyan nang malinis.
File

MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi pa natatapos ang isinasagawang road clearing ope­rations ng pamahalaan, kahit na natapos na ang 60-araw na deadline na ibinigay nila sa mga local government units (LGUs) noong Setyembre 29.

Ayon kay Department of Interiors Local Government Secretary Eduardo Año, tuluy-tuloy ang isinasagawa nilang clearing operations hanggang sa lahat ng road obstructions ay tuluyan nang malinis.

Paglilinaw pa ni Año, sakop lamang ng 60-day effort ang mga primary at secondary roads, at hindi pa kasama rito ang mga tertiary roads.

“Gusto kong linawan na ‘yung 60 days hindi riyan natatapos ‘yung clearing kasi tuloy-tuloy ito. Remember ‘yung primary at secondary roads ‘yung inuna natin,” aniya. “Ang gusto natin pati ‘yung tertiary roads maayos.”

Kaugnay nito, muli ring tiniyak ng kalihim na sususpindihin nila ang mga local government officials na mapapatunayang nabigong makaabot sa kanilang road-clearing standards matapos ang 60-araw na deadline na ibinigay sa mga ito.

Gayunman, bago tuluyang suspindihin ay bibigyan muna ang mga ito ng pagkakataong magpaliwanag.

Ayon kay Año, inaasahan niyang hanggang sa darating na Biyernes ay matatanggap na niya ang assessment report sa 60-day road- clearing efforts ng bawat local government unit sa bansa.

“Umiikot pa rin po ang validation and assessment teams, hanggang Friday ay magbibigay sila ng ulat kung ano ‘yung kanilang validation and assessment using our criteria and parameters,” ani Año, sa panayam sa radyo. “Dito malalaman natin kung pumasa ba ang ating mga LGUs.”

Ang mga mabibigo aniyang linisin ang kanilang nasasakupan laban sa mga road obstructions, gaya ng illegally parked vehicles, illegal terminals, illegal vendors, barung-barong ng mga street dweller, barangay outposts, encroachments, at mga tambak ng basura, ay kanilang sususpindihin kung hindi magiging katanggap-tanggap ang paliwanag ng mga ito.

vuukle comment

CLEARING OPERATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with