Bebot niratrat ng tandem
MANILA, Philippines — Isang 36-anyos na babae ang nasawi matapos ratratin ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem habang nasa labas ng kanyang tahanan sa Balut, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay kinilalang si Karen Anne Bangilan, maybahay, may apat na anak, at residente ng No. 2286 Pastor St., ng naturang lugar.
Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaslang.
Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril dakong alas-7:15 ng gabi kamakalawa, sa labas ng bahay ng biktima.
Dalawang lalaki na sakay umano ng isang Yamaha NMAX motorcycle ang lumapit sa kinaroroonan ng biktima at pinaulanan ito ng bala.
Bumulagta ang biktima na may tama ng bala sa leeg, batok at dibdib na isinugod pa sa Tondo General Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang kaso.
- Latest