^

Metro

Pakistani dakma sa Cytotec

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pakistani dakma sa Cytotec
Batay sa imbestigasyon, nagsasagawa ng clearing ope­rations ang tauhan ng MPD sa kanto ng Rizal Ave. at Raon St. nang impormahan sila hinggil sa suspek na nakatambay sa isang bahagi na may dala umano itong Cytotec.
File

MANILA, Philippines — Isang Pakistani national ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team matapos makuhanan ng abortion pill na Cytotec sa Sta. Cruz, Manila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Captain Edward Samonte ang suspek na si Nadeem Younas Rana, 32, ng Belisarion Subdivision, Pulang Lupa, Las Piñas City.

Batay sa imbestigasyon, nagsasagawa ng clearing ope­rations ang tauhan ng MPD sa kanto ng Rizal Ave. at Raon St. nang impormahan sila hinggil sa suspek na nakatambay sa isang bahagi na may dala umano itong Cytotec.

Nang lapitan at sitahin ng mga pulis si Rana ay dito na nalamang may hawak ito na 400 piraso ng Cytotec.

Inamin naman ni Rana na may kakatagpuin siyang babae na regular na bumibili ng Cytotec sa kanya. Hindi naman nito binanggit kung saan siya kumukuha ng Cytotec.

Samantala, matatandaan na Abril 2018 nang masakote naman si Elizabeth Franco, 64. Nakuha kay Franco ang 176 Cytotec at dalawang pads ng methergine tablets na nagkakahalaga ng  P50,000.

Ang Methergine ay isang uri ng drugs upang maiwasan ang postpartum hemorrhage. Sinabi noon ni Franco na isang Pakistani ang kanyang supplier.

Inaalam na ng mga otoridad kung iisa ang Franco na kontak ni Rana. Kakasuhan ito ng paglabag sa RA 3720, or the Foods, Drugs, and Cosmetic Act.

CYTOTEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with