^

Metro

Kutsabahan ng ospital, punerarya sa bangkay sa Maynila, binalaan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno sa mga ospital at puneraryang nagkukutsabahan sa pagkuha ng bangkay nang walang consent ng pamilya.

Ayon kay Moreno, dapat tigilan na ng mga ospital at punerarya ang kanilang modus dahil sa pananamantala ito sa pamilyang namatayan.

“Kayo kaya ang mamatayan at sasamantalahin namin ang pagdadalamhati niyo?” ani Moreno.

Napag-alaman na kadalasan ay may koneksiyon ang ospital at punerarya para sa kanilang mga kikitain mula sa pamilya ng namatay. May koneksiyon din ang mga pune­rarya sa pulis na mas lalong nagpapalaki sa gastusin ng mga pamilyang namatayan.

Dagdag pa ni Moreno, hindi maaari ang mga  ‘fly by night’ na punerarya o opisina lamang ang front at isa-subcon pa ang mga bangkay.

Aniya, dapat ay may embalsamaduhan at burulan ang punerarya dahil dito na nangyayari ang pangho-hostage sa mga bangkay tulad ng ginawa ng Funeraria Cruz sa bangkay ni Marvin Olegenio.

 

PUNERARYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with