^

Metro

Pulis-Maynila kalaboso sa pambubugbog sa enforcer

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang pulis na nakuhanan ng CCTV na nambubugbog ng isang traffic enforcer sa Tondo, Maynila.

Makikita sa inilabas na CCTV na pinahinto ng traffic enforcer sa Juan Luna St. ang isang truck.

Makalipas ang ilang segundo ay huminto rin ang isang pick-up sa harap nito sakay ang isang pulis na nagreklamo dahil nakahambalang ang truck.

Sa video, makikitang pinagduduro ni P/Cpl. Aries Flores si MTPB Enforcer Raymond Buaron at saka pinagsusuntok at pinagtatadyakan.

Ayon kay Buaron, sinita siya ni Flores dahil sa pagkakahambalang ng truck na kanyang sinita.  Sinabihan din ng pulis na huwag na itong maki­alam dahil ginagawa niya lang ang kanyang tr­abaho.

Nakorner si Flores ng mga kapwa niya pulis at nanindigan siya na tama ang kanyang ginawa lalo’t nagmamadali siya.

Ngunit ayon kay Manila Police Director Vicente Danao Jr., hindi tama na kuwestiyunin ni Flores ang pagsita ni Buaron sa truck lalo na kung may violation.

Sinabi ni Danao na inaalam nila kung escort ng truck ang pulis kaya nagalit ito nang sinita ng enforcer.

vuukle comment

ENFORCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with