^

Metro

‘Random bag checking’ sa SONA, hindi gagawin - NCRPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Random bag checking’ sa SONA, hindi gagawin - NCRPO
Ito ang tugon ni Eleazar makaraan ang pagpalag ng ilang sektor lalo na ang mga militanteng grupo sa planong pag-inspeksyon sa mga bag ng mga raliyista na magsasagawa ng demonstrasyon sa ika-apat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Michael Varcas

MANILA, Philippines —  Nilinaw kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, P/Maj. Gen Guillermo Eleazar na hindi nila ipatutupad ang ‘random bag checking’ sa mga demonstrador at iba pang dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ngayong darating na Lunes.

Ito ang tugon ni Eleazar makaraan ang pagpalag ng ilang sektor lalo na ang mga militanteng grupo sa planong pag-inspeksyon sa mga bag ng mga raliyista na magsasagawa ng demonstrasyon sa ika-apat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ng heneral na gagawin lamang ang pag-iinspeksyon ng bag kung makikitaan ng pulis na may matinding pangangailangan na isagawa ito na ibabase pa rin sa protocol na ipinatutupad.

“Kung talagang may compelling reason (such as) meron kaming personal information about merong contraband doon (or) baka mamaya talagang may bomba na talaga yan, ‘di ba?” ayon kay Eleazar.

Ngunit hindi umano nararapat iyong basta na lamang mag-inspeksyon ng bag lalo na at walang sapat na impormasyon o dahilan para isagawa ito.

Una nang nanawagan si Eleazar sa mga demonstrador na magsasagawa ng rally na iwasan nang magsuot ng backpack bag upang maging ligtas ang lahat.  Tinutukoy niya ang ilang insidente ng suicide bombing na naganap sa Mindanao kamakailan.

GUILLERMO ELEAZAR

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with