^

Metro

No. coding sa provincial bus, suspendido bukas at sa Martes

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
No. coding sa provincial bus, suspendido bukas at sa Martes
Abiso ito kahapon ng MMDA, para tiyakin aniya na may sapat na pampublikong transportasyon ang mga mananakay patungong probinsiya at pabalik ng Metro Manila.

MANILA, Philippines — Sinuspindi ng Metropolitan Manila Development Authority  (MMDA) ang pag­papatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa mga provincial bus sa Biyernes (May 10) at Martes (May 14) upang bigyan daan ang mga commuters na uuwi ng kanilang mga probinsiya para bumoto at babalik naman ng Metro Manila pagkatapos ng halalan.

Abiso ito kahapon ng MMDA, para tiyakin aniya  na may sapat na pampublikong transportasyon ang mga mananakay patungong probinsiya at pabalik ng Metro Manila.

Ayon kay  MMDA traffic czar  Bong Nebrija, layon  rin nito na mapadali ang biyahe ng mga ito.

Samantala, ang number coding sa lahat ng PUVs at pribadong behikulo ay awtomatikong suspindido ngayong weekends,  Mayo 11, 12 at mismo sa araw  ng halalan Mayo 13.

Kasama rin sa suspension ng number coding ang  lungsod ng Makati at Las Piñas. Balik ang pagpapatupad sa coding sa araw ng Miyerkules.

CODING SCHEME

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PROVINCIAL BUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with