^

Metro

Angkas rider nag-Russian roulette, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Angkas rider nag-Russian roulette, patay
Dead-on-arrival sa Chinese General Hospital (CGH) ang biktimang si Aldrin De Vera, may asawa, at residente ng No. 2637 Severino Reyes St., Tondo.

Sa b-day ng nanay

MANILA, Philippines — Nabahiran ng dugo ang isa sanang masayang birthday celebration nang sumabog ang sentido ng isang 28-anyos na Angkas rider matapos pumutok ang hawak na baril habang naglalaro umano ng Russian roulette kasama ang mga kainuman sa kasagsagan ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ina sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Chinese General Hospital (CGH) ang biktimang si Aldrin De Vera, may asawa, at residente ng No. 2637 Severino Reyes St., Tondo.

Sa ulat ni P/Corporal John Paulo Rojo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang paglalaro umano ng Russian roulette ng  biktima sa harapan ng kanilang bahay habang nakikipag-inuman kasama ang mga kaibigan.

Narekober naman mula sa biktima ang kalibre .38 baril na inaalam pa kung lisensiyado at kung sino ang may-ari.

Nagtataka naman ang pamilya ng biktima dahil wala umano silang alam na may problema ito at trabaho lang naman bilang Angkas rider ang pinagkaka-abalahan nito.

Naging malungkot naman ang mga kaanak ng biktima lalo na ang ina nito na nagdiwang ng ika-54 kaarawan.

vuukle comment

MOTORCYCLE ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with