Isko-Honey tandem nagpasalamat sa suporta ng mga Manileño
MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagdami ng suporta, nagpahayag nang pasasalamat sina mayoralty candidate Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso at reelectionist Vice Mayor Honey Lacuna sa mga Manileño para sa darating na 2019 local elections.
Ayon sa survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc., nangunguna si Domagoso sa mga tumatakbong alkalde sa Maynila sa nakuhang 47 percent ng poll respon-dents. Sa kabilang dako, nangunguna rin si Lacuna na nakakuha ng 50 percent ayon sa survey ng Publicus Asia, Inc.
Parehong independent at non-commissioned ang dalawang survey na ito.
Ayon kay Domagoso, ito ay naging inspirasyon para sa partidong Asenso Manileño na maging mas masigasig sa pangangampanya para maabot ang mas nakararaming Manileño.
Bukod sa mga motorcade, nagsasagawa na rin ng house-to-house campaign sorties ang tambalang Domagoso-Lacuna, lalo na sa mga liblib na mga lugar sa lungsod.
Samantala, walang motorcades o house-to-house sorties at caucuses ang Asenso Manileño political party ngayong araw hanggang sa Sabado upang bigyan daan ang paggunita sa Lenten season.
- Latest