Coding sinuspinde
MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila bunsod ng paggunita ng Semana Santa.
Sa abiso kahapon ng MMDA, simula sa Miyerkules Santo (Abril 17) hanggang sa Lunes (Abril 22) ay suspendido ang UVVRP o number coding.
Ayon sa MMDA, ang suspension ng number coding ay upang tiyakin na may sapat na public utility vehicles na makakapagserbisyo sa maraming mananakay na magtutungo sa kanilang mga probinsiya
Balik uli ang pagpapatupad ng number coding Martes, Abril 23.
- Latest