^

Metro

Navotas at Valenzuela may cash incentives sa graduates

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang  mas mahikayat na tapusin ang kanilang pag-aaral, inaprubahan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang isang ordinansa na nagbibigay ng  cash incentives sa lahat ng estudyanteng magtatapos sa elementarya, senior high at kolehiyo sa kanilang lungsod.

Sa ilalim ng City Ordinance 2019-3, makakatanggap ang mga graduates ng elementarya ng P500 insentibo, P1,000 sa mga magtatapos ng senior high school at P1,500 sa mga college graduates.

Sinabi ni Vice-Mayor Clint Geronimo na siyang nag-endorso ng ordinansa, na uumpisahang ipatupad ito ngayong school year 2018-19 at sakop ang mga ga-gradweyt ngayong Marso at Abril.

“We want to encourage Navoteño youth to finish their schooling in elementary and senior high. We also intend to help college graduates, who will soon look for jobs, be able to support their pre-employment needs,” ayon kay Geronimo.

Samantala, sa Valenzuela City, namudmod rin ng P1,500 cash incentives si Mayor Rex Gatchalian sa lahat ng mag-aaral na nagtapos sa elementarya sa lungsod.

 Mas mataas naman ang ibinigay ng pamahalaang lungsod sa mga estudyanteng nagtapos ng may honors.  Nasa P3,000 ang gantimpala sa mga First Honor, P2,500 sa second honor, P2,000 sa third, fourth at fifth honors.

Sinabi ni Gatchalian na maaaring ibili ng mga mag-aaral ang cash gift ng mga school supplies, damit, sapatos at iba pang gamit sa paaralan sa pagtuntong nila sa high school upang makatulong sa gastusin ng kanilang mga magulang.

CASH INCENTIVES

PAMAHALAANG LUNGSOD NG NAVOTAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with