^

Metro

7 Chinese kalaboso sa pagdukot sa kapwa Chinese

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
7 Chinese kalaboso sa  pagdukot sa kapwa Chinese
Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention sa Pasay City Prosecutors Office.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kalaboso ng National Bureau of Investigation ang pitong Chinese makaraang ituro na sangkot sa pagdukot  sa kanilang kababayan noong linggo ng hapon sa isang condominium sa Pasay City.

Iprinisinta ni Vicente de Guzman, deputy director for investigation service ang mga mamahayag ang mga suspek na sina Liu Shenshui, Deng Shuijin, Xiong Jinxiang, Xiong Jonpeng , Xiong Jilong, Luo Gen Jin, at Chen Yiguo,pawang Chinese na kadarating lamang umano sa bansa.

Ang mga suspek ay sinampahan ng  kasong kidnapping at serious illegal detention sa  Pasay City Prosecutors Office.

Inaresto ang mga suspek matapos na magreklamo si Jian Shi Lun, kapatid ng biktimang si  Jian Shi Xin na dinukot ng mga suspek sa isang hotel-casino sa   Parañaque City at dinala sa hindi niya  alam na condominium at doon idinetine at sinaktan ng mga suspek.

Pinayagan umano ng mga suspek ang biktima na makatawag sa kanyang kapatid para  ipaalam ang kanyang sinapit na pinuwersa ito na magbayad ng P200,000.

Nag-ugat umano ang pagkidnap sa biktima matapos na umuwi sa China ang kanyang kaibigan na nangutang sa mga suspek na umano’y nagpi-finance sa casino.

Hindi umano nakabayad ang  kaibigan ng biktima sa mga suspek  kaya siya ang kinuha para ma-pressure ang kaibigan nito na magbayad ng kanyang inutang sa mga suspek.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SERIOUS ILLEGAL DETENTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with