2,473 katao naaresto sa election gun ban
MANILA, Philippines — Umaabot na sa 2,473 katao ang nasakote kaugnay ng paglabag sa election gun ban kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo ng taong ito.
Ayon kay PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, mula Pebrero 13 ng taong ito sa pagsisimula ng gun ban hanggang alas-6 ng umaga nitong Marso 8, ay naitala ang nasabing bilang ng mga nasakote sa kabuuang 277,296 operasyon ng mga awtoridad.
Sa nasabing bilang nasa 1, 355 namang mga suspect ang naharang sa pagpapatrulya ng kapulisan, 474 ang nasamsam sa pamamagitan ng search warrants at 406 naman sa ‘Oplan Bakal, Sita, Galugad ‘operation.
Inihayag ni Banac sa nasabing bilang nasa 211 katao ang nasakote sa checkpoints at 27 naman ang nasilbihan ng warrant of arrest simula ng ipatupad ang gun ban.
Inihayag pa ni Banac na nasa 16, 379 namang mga armas ang nasamsam, granada, iba pang mga eksplosibo, gun replica, matutulis na patalim at mga bala.
- Latest