^

Metro

Utol ni Sharon, inendorso ni Sara

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal na nakipag-alyado si Presidential daughter at Hugpong ng Pagbabago Chair Mayor Sara Duterte sa kapatid ni mega star Sharon Cuneta na si Pasay City Mayoralty  candidate Chet Cuneta sa katatapos lamang nitong  rally sa Philippine International Convention Center (PICC).

Hindi lamang si Chet Cu­neta ang itinaas ang kamay  ni Mayor Inday Sara kundi ang lahat ng kaalyadong kandidato ni  Chet na  sina Richard Advincula,  na siyang Vice Mayor at mga konsehal sa dalawang distrito. 

Ayon kay Chet Cuneta, ito ay pagpapatunay lamang na sa Pasay ay tunay siyang sinusuportahan ng pamilya ng Pangulong Digong, na kung saan ang pangulo na rin ang naghikayat sa kanya na pumasok sa pulitika sa pamamagitan ng pagtakbo ngayong election bilang ama ng lungsod ng Pasay.

Aniya, sumusunod siya sa mga alituntunin ng Commission on Elections (COMELEC) kaya naman sa ngayon, wala pa silang ginagawang anumang pangangampanya dahil sa darating na Marso 29 pa ang pormal na pagsisimula ng lokal.

Nagpasalamat naman si Mayor Inday Sara sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Pasay dahil halos umapaw ang venue sa PICC sa dami ng mga pumunta bilang pagpapakita ng suporta kay Chet Cuneta na pawang nakasuot ng pula.

CHET CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with