^

Metro

Mas masikip na daloy ng trapiko, naranasan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mas masikip na daloy ng trapiko, naranasan
Tuluyan nang isinara ang Tandang Sora flyover para bigyang daan ang konstraksyon ng MRT-7 habang sa kanan ay ang mga pasaherong nalito sa bagong inilaang loading at unloading area.
(Kuha ni Michael Varcas)

Sa pagsasara ng Tandang Sora flyover

MANILA, Philippines — Tulad nang inaasahan, lalo pang naging masikip ang daloy ng trapiko sa area ng Commonwealth Avenue, sa Quezon City at iba pang kalapit na kalsada sa lugar, kasunod na rin nang pagsasara ng Tandang Sora flyover noong Sabado ng gabi.

 Partikular na naapektuhan ng masikip na daloy ng trapiko ay ang mga motorista na galing sa area ng Fairview, Batasan, Mindanao Avenue, Visaya’s Avenue at iba pang kalapit na kalsada.

Maraming empleyado ang na-late sa kani-kanilang trabaho at mga estudyante na na-late sa kanilang klase.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) at ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa masikip na daloy ng trapiko na dulot nang pagsasara ng Tandang Sora flyover.

 Nauna rito, dakong alas-11:00 ng gabi ng Sabado nang isara ang naturang flyover, na nakatakda ring i-demolish, upang bigyang-daan ang konstruksiyon ng Metro Rail Transit System Line 7 (MRT-7).

 Hindi naman naging masyadong matrapik sa lugar nitong Linggo, na unang araw ng closure, dahil walang pasok sa trabaho at klase.

Naglagay na ang MMDA ng mga concrete barriers sa magkabilang lanes ng flyover para maimpormahan ang mga motorista hinggil sa closure.

Naglagay rin sila ng poster para sa bagong U-turn slot sa tapat ng UP TechnoHub at CW Home Depot na maaaring magamit ng mga motorista.

Inaasahan namang sa mga susunod na linggo ay lalo pang sisikip ang daloy ng trapiko sa lugar dahil sa inaasahang pagsasara na rin ng dalawang westbound at isang eastbound lane ng Commonwealth Avenue upang magbigay-daan naman sa mga equipment na gagamitin sa konstruksiyon ng MRT-7.

Tiniyak naman ng MMDA at ng Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS) na may mga tauhan silang nakabantay sa lugar upang gabayan ang mga motorista at ayusin ang daloy ng trapiko, para mabawasan ang pagbibigat nito.

 Target ng pamahalaan na matapos ang proyekto sa taong 2020, ngunit habang ginagawa pa ito ay inaasahang mananatiling sarado ang naturang lugar sa mga motorista.

 Sa pagtaya ng mga awtoridad, tinatayang aabot sa 100,000 motorista at libu-libong commuters ang maapektuhan ng naturang pagsasara ng Tandang Sora flyover. 

TANDANG SORA FLYOVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with