^

Metro

Retired cop, misis na ‘bully’, inireklamo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Retired cop, misis na ‘bully’, inireklamo
Kinilala ang mga suspect na si ret. SPO3 Carlito Guillarte at misis nitong si Sonnet Guillarte.
facebook

Kapitbahay, pinagtulungang bugbugin, buhok ‘shinampoo’ ng epoxy

MANILA, Philippines — Tumakas na ang isang retiradong  pulis  na tinaguriang ‘bully king’ ng kanyang mga kapitbahay at ang kanyang misis matapos pagtulungang bugbugin ang  isang 30-anyos na ginang na kanilang kapitbahay   sa isang medium rise condominium sa Mandaluyong City na nag-viral sa social media.

Kinilala ang mga suspect na si ret. SPO3 Carlito Guillarte at misis nitong si Sonnet Guillarte.

Ayon kay Mandaluyong City Chief of Police P/Sr. Supt. Moises Villaceran Jr., alam ng suspek na naghahanda na ang pulisya ng kasong kriminal laban sa kanila kaya tumakas.

 “Talagang iba po ang ugali ng taong yan, nag-usap na po kami ni Regional Director, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Guillermo Eleazar,” ani Villaceran kaugnay ng pagtutok sa kaso, pag-aresto sa mag-asawang suspect sa oras na maipalabas na ang warrant of arrest.

 Si Guillarte ay dating kasapi ng Mandaluyong City Police na nadestino rin sa Highway Patrol Group (HPG) sa Pasig City bago nagretiro sa serbisyo may ilang taon na ang nakalilipas.

Ang mag-asawang Guillarte ay ini­reklamo ng biktimang si Germelie Anne Capuno Elevado, 30 at ng live-in partner nitong si Jacinth Pierre Chan , 29, ng  Hulo Medium Rise Condominium, Mandaluyong City na kapitbahay ng mag-asawang suspect.

 Ito’y matapos pagtulungang bugbugin, sabunutan noong Miyerkules (Pebrero 20) si Elevado kung saan pinakawalan pa ang alagang aso upang ipakagat ito na mabuti na lamang at pinagkakalmot lamang ang biktima.

 Sa video na nag-viral sa social media makikita na sinasabunutan ni Sonnet si Elevado habang pinagsasampal naman ito ni Guillarte na sinikmuraan, tinadyakan at inumbag pa ang ulo sa gate sa tapat ng kanilang unit.

 Hindi pa nakuntento ay kumuha pa ng pandikit na epoxy at inilagay sa buhok ng biktima na nalagasan ng  halos kalahati ng buhok nito sa insidente.

 Samantalang hindi naman nagawang masaklolohan ni Chan si Elevado dahilan sa ipinadlock ng dating parak ang gate na hindi pa nakuntento ay kumuha pa ng samurai na iwinawasiwas nito sa tuwing lalapit ang live-in partner ng biktima. Bukod dito ay may baril rin umano ang biktima na sinabing isang bala lang ang maglive-in partner.

 Ang insidente ay nagdulot rin ng matin­ding trauma sa 2  anak ni Elevado na isang 2- anyos at isang 1-tao’t  limang buwan ang edad na nasaksihan ang pambubugbog sa ina.

Nang magresponde ang mobile units ng Mandaluyong City Police ay nagtago ang mag-asawang Guillarte na hindi lumabas ng bahay hanggang nitong Biyernes ng umaga ay tumakas na bago pa man lumabas ang warrant of arrest laban sa mga ito.

CARLITO GUILLARTE

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with