30 grumadweyt sa drug rehab
MANILA, Philippines — Nasa 30 dating mga drug personalities ang kauna-unahang mga nagtapos sa tatlong buwang rehabilitation program sa pinakabagong drug rehabilitation center sa Caloocan City.
Sa programa ng pagtatapos nitong nakaraang linggo ng mga pasyente, ibinilin ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa kanila na “hindi pa huli ang lahat para magbagong-buhay.”
Nabatid na 30 pasyente ang unang kusang-loob na iprinisinta ang kanilang mga sarili para sa tatlong buwang rehabilitasyon sa “Balay Silangan rehabilitation center” sa Brgy. Camarin, Caloocan.
Sinabi ni City Anti-Drug Abuse Office (CADAO) head Atty. Sikini Labastilla na sumailalim ang mga pasyente sa intensibong tatlong buwang programa sa Balay Silangan na naitayo nitong nakaraang Nobyembre sa pagsasanib ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
- Latest