^

Metro

Giant Christmas tree na gawa sa basura, tampok sa Ocean Park

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Giant Christmas tree na gawa  sa basura, tampok sa Ocean Park

MANILA, Philippines — Idinaos ang tradisyunal na Christmas lighting at parangal sa mga kabataan na nagwagi sa paggawa ng higanteng mga Christmas tree na pawang mula sa recycled materials sa Manila Ocean Park, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakuha ang  first prize plaque at P100,000 ng grupo ng  Fine Arts students ng Technological University of the Philippines , ang ikalawang pwesto ay mula din sa TUP at 3rd prize winner naman ang mga estudyante ng Technological Institute  of the Philippines.

Ang recycled Christmas tree ay pawang yari sa mga plastic colored bottles na inilarawan sa disenyong karagatan na sagana sa mga isda at iba pang sea creatures.

Layunin ng pamunuan ng Ocean Park na mapa-ngalagaan ang kalikasan laban sa mga basura na sa halip na makasira ay muling pakinabangan.

Naging tampok sa programa ang pagsasadula ng tinawag nilang Ocean Park’s Superhero na kahitsura ni Superman at Guardians  of the Ocean, na ikinaaliw ng mga kaba­taan partikular ang mga nagmula sa Down Syndrome Association of the Philippines at Autism Society of the Philippines.

CHRISTMAS LIGHTING

MANILA OCEAN PARK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with