^

Metro

Anak ng ‘drug queen’, inabsuwelto sa droga

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Anak ng �drug queen�, inabsuwelto sa droga
Si Diana Yu Uy (kaliwa) matapos na absuweltuhin ng korte sa kasong droga. Si Uy ay anak ng sinasabing drug queen na si Yu Yuk Lai na nakapiit sa correctional.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inabsuwelto ng Manila Regional Trial Court (RTC)  ang anak ng isang ‘drug queen’ sa kasong may kinalaman din sa ille­gal na droga.

Batay sa desisyon na pirmado ni Judge Daniel Villanueva ng RTC Branch 49, hindi sapat ang ebidensya na magdidiin kay Diana Yu Uy, anak ni Yu Yuk Lai na  nakakulong pa hanggang ngayon sa Correctional Ins­titution  For Women.

Sa imbestigasyon, lu-malabas na walang bisa ang search warrant na inisyu noon laban kay Uy dahil walang sapat na batayan bukod pa sa illegal na drogang nakuha sa kanya ay itinanim lamang.

Nakasaad din na ang  ebidensiya na nakuha kay Uy ay hindi maaa-ring tanggapin ng korte at posibleng ‘planted’.

Matatandaan na naa­resto si Uy noong Nobyembre 2017 nang makum-piskahan ng halagang P10 milyong shabu sa isang condominium unit  malapit sa Solano gate ng Malacañang sa San Miguel, Maynila.

Nakuha ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang hindi    ma­lamang halaga ng shabu  na nakalagay sa plastic   bag sa condominium ni Uy.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang PDEA hinggil sa naging desisyon ng korte.

vuukle comment

DIANA YU UY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with