^

Metro

5 doktor sa PCMC tinamaan ng dengue: 1 nasawi

Sheila Crisostomo - Pilipino Star Ngayon
5 doktor sa PCMC tinamaan ng dengue: 1 nasawi
Base sa PCMC’s statement na pirmado ng executive director ng pagamutan na si Dr. Julius Lecciones na isa nilang doktor ang nasawi sa severe dengue noong nakalipas na Setyembre 19.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Isang doktor sa Philippine Children Medical Center (PCMC) sa Quezon City ang iniulat na nasawi dahil sa ‘severe dengue’ habang apat pa ring physicians sa ospital ang sinasabing tinamaan din ng mosquito-borne disease.

Base sa PCMC’s statement na pirmado ng executive director ng pagamutan na si Dr. Julius Lecciones na isa nilang doktor ang nasawi sa severe dengue noong nakalipas na Setyembre 19.

Kalakip na inihayag nito na nito lamang buwan ng Set­yembre lima sa kanilang doktor ang nagkasakit dahil sa dengue, at isa nga ang hindi nakaligtas habang ang apat ay tuluyang naka­rekober.

Wala kahit isa sa limang doktor ang naturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Binanggit  pa nito na naob­serbahan din ang pagtaas ng dengue cases  sa ospital simula pa noong Mayo.

Sa isinagawa namang phone interview kay Health Secretary Francisco Dugue III sinabi nitong hindi katanggap-tanggap ang pagkakaroon ng outbreak ng dengue sa isang ospital.

Hinihintay pa umanong niya ang report ni Lecciones at dapat nilang alamin kung bakit ito nangyari. Sakali umanong kuwestiyonable ang report ay ipag-uutos niya ang pagsasagawa ng independent body ng imbestigasyon.

PHILIPPINE CHILDREN MEDICAL CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with