^

Metro

Magkapatid na Binay, maghaharap sa Makati

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Magkapatid na Binay, maghaharap sa Makati
Pero kung ngayon gagawin ang eleksyon milya ang lamang ni incumbent Mayor Abby base sa isinagawang survey kung saan nakakuha ito ng 69 percent, habang 21 percent naman ang dating alkalde na si Junjun.
File Photo

MANILA, Philippines — Inaabangan ang paghaharap ng magkapatid na sina Mayor Abigail ‘Abby’ Binay at dating Mayor Jejomar Erwin ‘Junjun’ Binay sa pagka-alkalde sa lungsod sa 2019 Midterm elections.

Pero kung ngayon gagawin ang eleksyon milya ang  lamang ni incumbent Mayor Abby base sa isinagawang survey kung saan nakakuha ito ng 69 percent, habang 21 percent naman ang dating alkalde na si Junjun.

May 10 percent naman ang undecided.

Kahit na tumakbo si Ricardo ‘Ricky’ S. Yabut, wagi pa rin si Mayor Abby sa 67 percent, habang 20 percent naman si Junjun.

Kung tatakbo naman si Romulo ‘Kid’ Peña, kakabig pa rin si Mayor Binay ng 65 percent, nabawasan naman sa 17 percent si Junjun habang dikit naman si Peña sa 13 percent.

Isinagawa ang Pulse Asia survey noong August 17-23, 2018 at may kabuuang 1,200 respondents.

Inilampaso ni Mayor Abby si Junjun sa ikalawang distrito ng Makati kung saan nakakuha ang una ng 77 hanggang 81 percent sa tatlong set ng survey.

Kahit na sa second district, malaki ang lamang ni Abby sa 49 hanggang 53 percent kumpara sa 24 hanggang 32 percent ni Junjun.

Si Abby Binay ay da­ting kinatawan ng ikalawang distrito ng Makati pero noong patalsikin ng Ombudsman si Junjun noong 2015, nilabanan ni Abby si Peña noong 2016 elections kung saan nagwagi ito.

ABIGAIL ‘ABBY’ BINAY

JEJOMAR ERWIN ‘JUNJUN’ BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with