^

Metro

HVT, 5 pa sakote sa drug bust

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang “high value target” na tulak ng ilegal na droga at lima pa ang nadakip sa inilunsad na magkakasunod na anti-drug operations ng Muntinlupa City Police Station nitong nakaraang Sabado.

Sa ulat, alas-6:30 kama­kalawa ng gabi nang madakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Jeruz Cerilla, alyas “Jherot”, 34, Level 2 high level target, at si Diana Zaragoza, 34, kapwa residente ng Tepaurel Compound, Brgy. Putatan, ng naturang lungsod.

Hindi na nakapalag ang dalawa nang mapalibutan ng mga pulis sa ikinasang buy-bust operation. Nakumpiska sa kanila ang walong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, marked money, at timbangan na gamit sa pagre-repack ng droga.

Nauna rito, alas-3 ng mada­ling araw nang masakote naman sa may PNR Site Brgy. Ba-yanan, ang mga drug suspect na sina Rose Ann Gomez, 28 at Ed Vicente Pag­kalinawan, 29. Nakumpiska sa kanilang po-sesyon ang dalawang plastic sachet ng illegal drugs.

Sumunod na dinakip sa naturang lugar si Kurt Tan, 43, na hinihinalang kaiiskor lang ng shabu at nakumpiskahan pa ng mga drug paraphernalia.

Kasabay nito, nadakip sa may Southville 3 Brgy. Poblacion ang hinihinalang tulak ng droga na si Maria Cherry Argame, 46, makaraang magbenta ng shabu sa isang nagpanggap na buyer. Nakumpiska sa kanya ang tatlong plastic sachet ng shabu.

vuukle comment

ANTI-DRUG OPERATIONS

HIGH VALUE TARGET

ILEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with