^

Metro

Parojinog Jr. inilipat na sa Quezon City jail

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilipat na sa Quezon City Jail mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame si Reynaldo Parojinog Jr ., nitong Huwebes ng gabi.

Ito ang kinumpirma kahapon ni PNP Spokesman P/Chief Supt. John Bulalacao base sa natanggap nilang commitment order mula sa korte.

Bandang alas -8 ng gabi kamakalawa, ayon kay Bulalacao ng eskortan ng mga bantay nitong pulis sa PNP Custodial Center si Parojinog patungo sa Quezon City Jail.

Nabatid na ang paglilipat ng detention sa batang Parojinog ay base sa commitment order na inisyu ni Judge Nadine Jessica Corazon Fama ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 79 na may petsang Mayo 9, 2018.

Si Parojinog ay anak ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog, nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte na napaslang sa raid  ng pulisya matapos na umano’y manlaban sa mga awtoridad.

Magugunita na si Mayor Parojinog at 14 iba pa kabilang ang misis nitong si Susan Engracia Parojinog ay napatay  matapos na umano’y manlaban sa mga awtoridad sa raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 10 sa raid dakong alas-2:30 ng madaling araw sa Brgy. San Roque, Ozamis City noong Hulyo 30, 2017.

Samantalang si Parojinog Jr. at kapatid nitong si Ozamis City Vice Mayor Nova Princess Parojinog ay nasakote at ipiniit sa PNP Custodial Center.    

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY JAIL

REYNALDO PAROJINOG JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with