Tullahan river, isasailalim sa rehab
MANILA, Philippines — Isasailalim sa rehabilitasyon at ipepreserba ang Tullahan river sa pamama-gitan ng reforestation at river initiatives ng Maynilad.
Ito ay makaraang lumagda sa isang memorandum of understanding si Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) President at CEO Ra-moncito S. Fernandez at Malabon Mayor Antolin Oreta III hinggil sa pangangalaga sa naturang ilog. Ang Tullahan River ay isa sa pangunahing tributaries ng Manila Bay.
Isinama ng Maynilad sa kanilang programang “Plant for Life” reforestation at affo-restation ang Tullahan River na kapapalooban ng pagtatanim ng mangrove propagules sa bahagi ng Tullahan river na sakop ng Malabon.
Na-aabsorb ng mangroves ang mga contaminants at magsisilbing spawning area para sa aquatic life at poprotekta sa river bank mula sa soil erosion.
Dahil sa kasunduan, ang Maynilad ay magtatanim ng may 50,000 mangrove propagules sa Malabon.
Mula nang simulan ng Maynilad ang “Plant for Life” program noong 2009, nakapagtanim na ito ng may mahigit 636,000 puno at mangroves sa may 338.4 ektarya ng mga vital watersheds sa bansa.
- Latest