^

Metro

‘Dugo-Dugo’ tumangay ng P2.7-M cash, alahas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Kasambahay inaresto

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang 57-anyos na kasambahay na nagsabing nabiktima siya ng Dugo-Dugo gang matapos ireklamo ng isang Chinese national na natangayan ng mahigit P2 milyon halaga ng cash, alahas at mga kagamitan sa Ermita, Maynila kamakalawa ng hapon.

Nakapiit sa Manila Police District-Station 5 ang kasambahay na si Victoria Dela Rosa, may-asawa, tubong Abra, Ilocos,  at  stay-in sa bahay ng amo na si Man Ko, 41, negos­yante, may-asawa ng  2501 Mayfair Tower Condominium na matatagpuan sa United Nations Ave., at Mabini St., Ermita, Maynila.

Sa ulat ni Sr. Insp. Arvin Creencia ng MPD-Station 5, dakong alas-5:06 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima.

Sa reklamo, may tumawag umano sa telepono na ‘di nagpakilalang babaeng caller na nakausap ni Dela Rosa at sinabihan siya na naaksidente umano ang asawa ng amo na si Rena Alvarez Ko na nasa ospital  at kailangan ng pera.

Inutusan pa umano ng caller si Dela Rosa na sirain ang pintuan ng store room ng kanyang amo at kunin ang mga pera at alahas at magkikita umano sila sa isang lugar.

Dala ni Dela Rosa Ang P300,000 cash; Rolex watch (P1.7 milyon); Omega watch (P400,000); Tag Hauer watch (P100,000); Ball watch (P150,000) at dalawa pang relo na nagkakahalaga ng P100,000 na may kabuuang P2.7 milyon at ibinigay sa kausap sa telepono sa kanilang tagpuan sa harapan ng Mercury Drug sa Tayuman.

Pagbalik ni Dela Rosa sa bahay ng amo, dito nalaman ni Ko ang pangyayari kaya agad na sinabi sa guwardiya ng condominium bago ini-report sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ni Dela Rosa.

vuukle comment

DUGO-DUGO GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with