^

Metro

Manila Pavilion nasunog: 3 patay!

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Manila Pavilion nasunog: 3 patay!

Nilamon ng apoy sa Waterfront Manila Pavilion Hotel sa United Nations Avenue, Ermita, Manila sa sunog  na ikinasawi ng tatlo katao, ikinasugat ng mahigit 20 pa at sinasabing marami pa ang nawawala at na-trap sa matataas na palapag ng hotel (inset) kahapon. Ang sunog ay idineklara ng Bureau of Fire sa Task Force Bravo o pinakamataas na alarma. (Mga kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang kumpirmadong nasawi habang 21 ang sugatan at dalawa ang nawawala nang sumilkab ang sunog sa Waterfront Manila Pavilion Hotel sa Ermita, Maynila kahapon.

Unang kinilala ang dalawang nasawi na sina Jun Evangelista, treasury officer at Billy De Castro , intern security officer ng nasabing hotel.

Sa panayam sa ground commander na si Supt. Emerey Abating, hepe ng Manila Police District-Station 5, idineklarang dead-on-arrival si Evangelista alas 12:20 ng tanghali nang isugod sa Manila Doctors Hospital na katabi lamang ng Manila Pavilion habang si De Castro at isang ‘di pa tukoy ang pagkakilanlan na sinasabing pawang mga empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sinabi ni Carmelita Valdez ng PAGCOR, 73 ang kanilang empleyado at 3 ang kumpirmadong patay habang nawawala pa at hindi na makontak ang dalawang closed circuit television (CCTV) operators na sina Mark Sabido at Jose Cris Banang.

Ganito rin ang sinabi ng  isang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) na may kaanak na empleyado sa nasa­bing hotel, hindi na sinasagot ng dalawa (Sabido at Banang)  ang kanilang mga cellphone at panay lang ang ring.

Ginagamot naman sa Medical Center Manila (MCM) ang isang alyas Jacob at isang Mini Rencio, 41 anyos, security guard  habang ang 2  dayuhan at isang Pinoy  na kasabay na dinala rin sa ospital ang pinalabas na dahil minor lang ang natamong sugat.

Sugatan naman sina Edil­berto Evangelista, Marilyn Omadto, Jennifer Figueroa at Billy De Castro at 13 iba na kinabibilangan ng mga guests at empleyado na naka-confine sa Manila Doctor’s Hospital.

Bandang alas 4:40 ng hapon nang itakbo ng ambulance AND 9357 sa Medical Center Manila ang fire volunteer na si Alejandro Cabute ng Ermita malate Fire Rescue Volunteer  dahil sa head injury

Batay sa ulat ni Supt. Jonas Silvano, district fire marshal ng Manila Fire Bureau, dakong alas-9:52 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa 22-palapag na hotel na matatagpuan sa United Nations Avenue kanto ng Ma. Orosa Street sa Ermita.

Pasado alas-11:00 ng tanghali nang itaas sa Task Force Alpha ang sunog ngunit makalipas ang kalahating oras, o ganap na 11:30 ng umaga, itinaas ito sa Task Force Bravo.

Habang isinusulat ang balitang ito, nananatili sa Task Force Bravo ang sunog sa kabila nang may mahigit 90 fire trucks at fire engine mula sa BFP at mga volunteers dahil sa kakulangan ng tubig at hirap na pasukin ang hotel.

Ayon naman kay Sr. Insp.  Redentor Alumno, arson investigator ng Manila Fire Bureau, sa ikalawang palapag ng hotel nagsimula at pinaghihinalaang nanggaling ang sunog kung saan may isinasagawang renovation at agad na umabot sa casino area.

Nabatid sa BFP na mahigit 200 katao mula sa nasabing hotel ang nailagay na sa ligtas na lugar sa patuloy na search, rescue and evacuation operations. Nasa 300 umano ang guests ng hotel.

Kinailangang isara ang mga kalsada sa paligid nito, kabilang ang UN Avenue, Ma. Orosa at T.M. Kalaw Streets, kung saan pumarada ang  fire trucks na rumesponde sa sunog. Lalo pang kumapal ang usok na inabot na umano ang roofdeck ng hotel at hinihinalang naapektuhan na halos ang kabuuan nito kagabi.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with