^

Metro

775 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Malabon, Pasig

Lordeth Bonilla at Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 775 pamilya ang naiulat na nawalan ng tirahan nang tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay sa sunog sa Malabon at Pasig City.

Alas-7:31 ng gabi nang bigla na lamang sumiklab ang sunog sa dikit-dikit na kabahayan sa Remedios St., Brgy. Maysilo at mabilis na kumalat

Agad itinaas sa Task Force Alpha hanggang idek­lara itong fire out dakong alas-10:43. 700 pamilya ang nawalan ng tirahan habang ti­­na­tayang nasa P600,000 halaga ng ari-arian ang napinsala.

Samantala, nawalan din ng tahanan ang 75 pamilya sa sunog na sumiklab sa isang 2 storey residential building sa Brgy. Rosario, Pasig City kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Pasig City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:00 ng mada-ling araw nang sumiklab ang sunog sa unit ng isang Felino Medina, 67, sa Ortigas Avenue Extension, sa Brgy. Rosario.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog, na uma­bot ng isang oras bago tuluyang naapula dakong alas-5:00 ng madaling araw.

Wala namang iniulat na nasugatan o nasaktan sa sunog, na tumupok sa tinatayang may P1.8 milyong halaga ng mga ari-arian.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with