^

Metro

Naka-charge na cell phone sanhi sa pagsiklab ng sunog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tinatayang aabot sa P.1 milyong halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang siyam na commercial establishment sanhi umano ng napabaya­ang naka-charge na cell phone sa Brgy. Old Balara, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon City Fire Marshal Supt. Manuel Manuel, ang sunog ay naganap sa may Calderon St., ng nabanggit na barangay, dakong alas-3:22 ng madaling araw.

Partikular anyang nagsimula ang sunog sa isang industrial establishment na gumagawa ng muwebles kung saan base sa ilang kawani ay naiwan ang isang cellphone na naka-charge na pinaniniwalaang pumutok.

Dahil sa mga naka­imbak na combustible materials tulad ng varnish, pintura at thinner ay mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa tulu-yang lamunin ang nasabing mga establisimento.

Umabot naman sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang maapula ito dakong alas 4:15 ng madaling araw.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naturang sunog kung saan nasa siyam na pamilya ang naapektuhan.

MANUEL MANUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with