Pagproseso ng business permit sa Maynila, pinabilis
MANILA, Philippines - Mas mabilis na ngayon ang pagkuha at pag-renew ng business permit sa Maynila upang mas marami pang negosyante ang maa-kit na magtayo ng negosyo sa lungsod.
Ayon kay Fortune Mayuga, hepe ng Bureau of Permits ng Manila City hall, aabot na lamang sa 30 minuto ang proseso ng pagkuha ng permit kumpara sa da- ting oras ang itinatagal.
Sinabi ni Mayuga sa bagong sistema, isang window o cashier na lang ang pagbabayaran ng iba’t ibang fees para sa Fire Safety Inspection Certificate, Zoning Permit, Sanitary Permit, garbage fees, at iba pa.
“Unlike before, you have to go first to different offices and windows to apply for and pay for permit fees, now you just have to queue in one window, one cashier. Isahang pila na lang, lahat, ” ani Mayuga.
Dagdag pa ni Mayuga, mawawala na rin ang mga fixers sa lugar na nagsasaga-wa ng kanilang transaksyon.
Mula 2014, patuloy aniya ang pagtaas ng bilang ng mga bagong establisimyento na nagbubukas sa Maynila kaya’t patuloy din ang pagtaas ng kita ng lungsod sa pamamagitan ng tax at business fees.Noong 2015, 6,743 bagong negosyo ang nagbukas sa lungsod, at 9,165 naman sa 2016, ayon pa kay Mayuga.
Sa kabuuan, umabot sa 54,242 Mayor’s Permit ang inisyu ng Bureau of Permit nitong 2016, kumpara sa mahigit 53,000 lang noong 2015.
- Latest