^

Metro

Tandem dawit sa mga patayan, utas sa shootout

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang riding in tandem,  na hinihinalang  sangkot umano  sa mga serye ng mga patayan  matapos itong  makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang dalawang hindi pa  nakikilalang mga suspect, na nagtamo  ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanilang  katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ayon kay Police ­Senior Supt. Chito Bersaluna,  hepe ng Caloocan City Police, ala-1:40 ng mada­ling araw ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Phase 4, Road Package 4,  Brgy. 176 Bagong Silang ng naturang siyudad.

Bago ang engkwentro, nakatanggap ng ulat mula sa concerned citizen ang mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 3 sa pamumuno ni Police Chief Insp. Ronald Cayago hinggil sa dalawang kahina-hinalang lalaki na magkaangkas sa motorsiklong walang plaka sa naturang lugar.

Dahilan upang kaagad na rumisponde ang mga pulis  hanggang sa mamataan ang mga suspect na tumugma naman sa paglalarawan ng impormante sa itsura ng mga ito, na nakasuot ng green na t-shit, maong pants,  mga naka- bonnet at face mask.

Nang paparahin ng mga pulis ang mga suspect, nag­labas ang isa sa mga ito ng baril at pinaputukan ang mga alagad ng batas. Gumanti naman ng putok ang mga pulis, na nagresulta ng kamatayan ng  tandem.

Narekober sa nagmamanehong suspect ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at sa angkas nito ay nakuha naman ang kalibre .45 baril at mga bala.  

CHITO BERSALUNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with