Bebot na ginulpi ng 3 pulis, pinalulutang

MANILA, Philippines - Pinalulutang ng Sou- thern Police District (SPD) upang magreklamo ang isang babaeng nakita sa video na umano’y ginugulpi ng tat-long pulis sa Makati City.
Sinabi kahapon ni SPD director, Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr, na hindi nila kukunsintihin kung may ganito aniyang mga insi-dente.
Nabatid, na noong Sabado, Abril 1 ay lumabas ang at nag-viral ang isang video sa social media (facebook), na isang babae ang ginugulpi ng tatlong pulis sa panulukan Makati Avenue at P. Burgos St., Makati City.
Hinikayat ni Apolinario, na lumutang ang biktima upang magreklamo laban sa mga pulis na gumulpi sa kanya.
Gayunman, sabi ni Apolinario sa kabila na wala pa silang matatanggap na report hinggil dito, paiimbestigahan niya ang naturang insidente.
Kung may katotohanan man aniya ito ay mananagot ang mga pulis na sangkot sa panggugulpi.
- Latest





















