^

Metro

3K grade schoolers nagtapos ng DARE program sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Umaabot sa mahigit 3,000 elementary pupils ang nagsipagtapos sa Anti-drug education program Drug Abuse Resistance Education (DARE) na una nang inilunsad ni Manila Mayor Joseph Estrada noong siya pa ay Bise-presidente pa lamang at hepe ng Presidential Anti Crime Commission (PACC).

Sa simpleng sere­monya na ginanap sa San Andres Sports Complex isinagawa ang  DARE Joint Culminating Program matapos ang   pag-aaral ng grade 5 at 6 student mula sa 12 paaralan.

Ayon kay Estrada, naniniwala siyang ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya’t dapat lamang na sa maagang edad ay may sapat na silang kaalaman upang labanan ang iligal na droga.

Sa pag-aaral, ipinakita sa mga estudyante ang masamang epekto ng illegal drugs. Giit ni Estrada, dapat na pagtuunan ng pansin ng  lahat ng sektor  at organisasyon ang usapin ng iligal na droga dahil isa ito sa seryosong problema ng bansa.

 “Drugs kill. Drugs ruin lives. Drugs will destroy the future – your future and the future of our nation,” ani Estrada sa mga nagtapos.

PRESIDENTIAL ANTI CRIME COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with