^

Metro

Suspects sa lady cop ambush, niratrat ng tandem

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dalawang  araw matapos ang  pamamaslang sa  isang babaeng pulis Maynila, niratrat naman ng riding in tandem ang magkapatid na sinasabing ‘persons of inte­rest’ sa pamamaslang sa una na agad namang ikinasawi ng isa sa mga ito, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memo­rial Medical Center (JRMMC) si Jefferson Li, 34, tricycle dri­ver, ng Estero De San La­zaro, Sta. Cruz, Maynila na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan habang ginagamot naman  sa naturan ring ospital ang kapatid nitong si Gerard Li, 24, na tinamaan ng bala sa kanang paa.

Sinasabing nadamay din  at tinamaan ng ligaw na bala si Magdilino Futol, 40, vendor, ng Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay SPO2 Joseph­ Kabigting ng Manila Police­ District-Homicide Section­ bo­luntaryong sumuko sa pulisya­ ang magkapatid na Li matapos na malaman na sila ay suspek o “persons of interest­” sa pananambang kay PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa Barbosa Police Community Precinct­ noong Linggo ng gabi. Ka­sama ng magkapatid ang kanilang inang si Susan at kalive-in ni Gerard.

Sinasabing may kinalaman sa illegal drugs ang pag­paslang sa baguhang pulis, makaraang magbigay ito ng listahan ng kilalang mga drug personalities sa Sta. Cruz.

Dahil  naman  sa walang ebi­densiya agad ding pinauwi­ ang magkapatid at sumakay­ ng kanilang motor­silo, ha­bang­­ sumakay naman ng taxi ang kanilang ina at live-in partner ni Gerard.

Habang sakay ng kani­lang motorisklo ang  magka­patid, ay sinundan naman ito ng riding in tandem saka pi­nagbabaril.

Nabatid na nalaglag sa motorsiklo si Jefferson at na­katakbo subalit pinagba­baril pa rin ito ng mga suspek. Iti­nakbo pa rin sa JRMMC si Jefferson subalit hindi na ito naisalba pa.

Sa kabila ng tama sa paa, nakahingi naman ng tulong sa kalapit na police outpost si Gerard at agad itong dinala sa nabanggit na ospital.

Samantala, sa Mary Chiles Hospital naman isinugod si Futol na tinamaan ng ligaw na bala.

Nagsasagawa pa rin ng follow up investigation ang pulisya sa motibo ng riding­ in tandem.

vuukle comment

JOSE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with