^

Metro

Pagtitinda sa paligid ng simbahan sa Baclaran, planong limitahan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

Para trapik maibsan

MANILA, Philippines - Upang masolusyunan ang matinding trapik sa Bac­laran, planong limitahan na ang oras ng pagtitinda sa paligid ng  simbahan sa Parañaque City.

Ito ang panukala ni Senior  Supt. Jemar Modequillo,  hepe ng Parañaque City Police sa pamahalaang lungsod.

Kasabay ng mungkahi  nito, na maglagay na lamang ng night market sa Baclaran bilang solusyon sa matin­ding trapik lalo na tuwing rush hour.

Ayon kay Modequillo ang mga vendors ang panguna­hing dahilan ng pagkakaroon ng matinding trapik sa lugar na pinapalala pa ng mga illegal na terminal, maging ng mga nagbababa at nagsasakay na pampublikong sasakyan sa mga ipinagbabawal na lugar.

Sa ilalim ng panukala ng Parañaque City Police, tuwing umaga ay isasara ang mga tindahan sa gilid ng simbahan para maging tuluy-tuloy ang mga motorista at maaari lamang magtinda tuwing alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga.

Giit pa ni Modequillo, ang nasabing panukala  ay isa sa mga solusyon ng trapik  sa Baclaran na matagal nang problema, partikular na sa bahagi ng Roxas Boulevard.

Planong makipagpulong ng pulisya sa konseho ng lungsod ng Parañaque upang maisulong ang naturang panukala.

vuukle comment

JEMAR MODEQUILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with