Trike driver kritikal sa pamamaril
MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalaga-yan ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng tatlong lalaki na nakaalitan nito sa parking sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa leeg, likod at braso ang biktimang kinila-lang si Jimmy Mondala, 41, at residente ng no. 2550 P. Guevarra St. Sta. Cruz, na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkilanlan ng mga suspek na tumakas sakay ng isang Ford Ranger na pick-up na may plakang XHX-240. Isa sa tatlong suspek ang inilarawan na may taas na 5’7, nasa 45 hanggang 50. Nakasuot ng itim na shorts at puti ang t-shirt.
Sa ulat ni SPO1 Julio Espiritu ng Manila Police District-Station 3, naganap ang insidente dakong alas-9:15 ng gabi sa panulukan ng Leonor Rivera at Blumentritt Sts., Sta. Cruz.
Nabatid na sa mga oras na iyon ay napakaraming nakaparada sa lugar na mga delivery truck at dyip dahil bagsakan iyon ng mga prutas kaya masikip ang kalye, hanggang sa marinig na lamang na nakikipagtalo sa biktima ang 3 suspek na sakay ng Ford ranger kaugnay sa parking area.
Maya-maya ay nakitang bumaba ng sasakyan ang mga suspek at nagtungo sa isang lugar sa L. Rivera St. at nang bumalik ay pinagbabaril na ang biktima gamit ang.9mm kalibre ng baril.
Nang bumagsak na ang biktima ay nasisakay na sa pick-up nila ang mga suspek at tumakas. Duma-ting ang kapatid na si Jojo Mondala na kapwa tricycle driver at isinugod sa kalapit na ospital ang biktima.
- Latest