^

Metro

Anti-Marcos protesters hindi haharangin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Anti-Marcos protesters hindi haharangin
Hindi na haharangin at hahayaan ng pulisya na maka­pagsagawa ng mala­yang kilos-protesta ang hanay ng mga anti-Marcos rallyists bukas (Nobyembre 30) na dadagsa sa People Power Monument.
AP Photo/Aaron Favila, file

MANILA, Philippines - Hindi na haharangin at  hahayaan ng pulisya na maka­pagsagawa ng mala­yang kilos-protesta ang hanay ng mga anti-Marcos rallyists bukas (Nobyembre 30) na dadagsa sa People Power Monument.

Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Director General Ro-nald “Bato” dela Rosa na si­nabi sa mga raliyis­ta na ang mga kalsada, park, plaza sa isinasagawang kilos-protesta.

“We don’t have to prepare for everything. We will give them all they want. They can have the streets, parks, plazas,”pahayag ni dela Rosa.?

Sinabi ni dela Rosa na hindi na nila kailangan pang harangin ang mga demostrador na mahigpit na tumututol at nais pang hukayin ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na inili-bing na sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB) sa Taguig City.

Samantala, pabiro pang sinabi ni dela Rosa na hihilingin niya sa mga pari na manalangin ng ulan upang hindi na magtipon at magsagawa pa ng kilos-protesta ang mga demonstrador.

“So ang aming preparation, require ko lahat ang mga pari ng chaplain service naming to pray for rain, magdasal ‘yung pari na umulan para hindi makapag-grupo, lahat ng pari buong PNP,” ayon pa kay dela Rosa.

Inihayag pa ng PNP Chief na kuntento siya sa performance ng mga pulis sa nakalipas na rally noong Nobyembre 25 sa Luneta grand stand.

“So far walang problema, so far so good walang problema,” pahayag pa ng PNP Chief.  

ANTI-MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with